Sunday, December 2, 2007

Laklak

Artist - Teeth



Nagsimula sa patikim-tikim
Pinilit kong gustuhin
Bisyo'y nagsimulang lumalim
Kaya ngayon ang hirap tanggalin
Kabilin-bilinan ng lola
'wag nang uminom ng serbesa
Ito'y hindi inumin pang bata
Mag-softdrinks ka na lang muna
Pero ngayon ako'y matanda na
Lola pahingi ng pangtoma
ayan na nga, tumataas na
ang amats ko
kasi laklak, maghapon, magdamag
Di bale nang hindi kumain
Basta may tomang nakahain
Ang sabi ng lasenggo sa amin
Pare shumat ka muna
Kabilin-bilinan ng lola
'wag nang uminom ng serbesa
Ito'y hindi inumin pang bata
Mag-softdrinks ka na lang muna
Pero ngayon ako'y matanda na
Lola pahingi ng pangtoma
O naku, nahihilo na ako
Kasi laklak, maghapon, magdamag
Kabilin-bilinan ng lola
'wag nang uminom ng serbesa
Ito'y hindi inumin pang bata
Mag-softdrinks ka na lang muna
Pero ngayon ako'y matanda na
Lola pahingi ng pangtoma
O d'yos ko... nasusuka na ako
Kasi laklak, maghapon, magdamag
Laklak ka nang laklak
Mukha ka nang parak

No comments: