Sunday, December 2, 2007

Lando

Artist - Gloc 9



Wag ka'ng mabahala,
may nagbabantay sa dilim
Nakaabang sa sulok
at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim
Ito ay kwentong hango na galing
sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay,
ang ngala’y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon
ay nakakandado
Dahil magkalayo
ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando
ay di nalalayo sa marami
Sinunog ng araw ang kulay
ng balat at marami
Ng galon ng pawis ang kanyang
naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay
di na masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kanyang
minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya
na di alintanang
Makipagkapwa-tao
sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma’y patuloy ang pagmamahal
na pinula ng pagibig
Wag ka'ng mabahala,
may nagbabantay sa dilim
Nakaabang sa sulok
at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim
Kahit na ano pang bagay
ang pilit na ihadlang
Sino man ay walang
makakapigil sa paghakbang
Ng mga paa na ang nais
ay marating ang ligaya
Niyayang magtanan,
di nag-atubili na sumama
Hawak ang pangarap
at pangako sa isa’t isa
Nagpakalayo-layo,
di namuhay na may kaba
Dahil alam nila na
sa bawa’t isa’y nakalaan
At ang pagmamahalan
tangi nilang sinasandalan
Wala ng ibang bagay pa
silang mahihiling
Kundi isang pamilya
sa loob ng apat na dingding
At isang bubong na maaaring
tawaging tahanan
Bakit may pangit na kabanatang
kailangang daanan pa?
Wag ka'ng mabahala,
may nagbabantay sa dilim
Nakaabang sa sulok
at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim
Isang gabi na Huwebes,
lumubog na ang araw
Doon tayo magkita,
pasalubong ko’y siopao
Upang ating paghatian
pagdating ng hapunan
Meron palang nakaabang
sa amin na kamalasan
Eskinita sa Ermita
may sumaksak kay Elsa
Sa tagiliran, isang makalawang
na lanseta
Ang gamit upang makuha lang
ang kanyang pitaka
Kami’y mahirap lamang
bakit di na siya naawa
Hindi ko naabutang buhay
ang aking mahal
At hanggang sa huling hantungan
ay nagdarasal
Bakit po, bakit po
ang laging lumalabas
Sa ‘king bibig,
palaboy-laboy ni walang landas
akong sinusunod,
baliw sa mata ng marami
Siguro nga di ko na kilala
aking sarili
Pangala’y taong grasa,
may patalim na gamit
At ang tanging alam
ay isang malungkot na awit
At ang sabi…
Wag ka'ng mabahala,
may nagbabantay sa dilim
Nakaabang sa sulok
at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim
Wag ka nang matakot sa dilim..

No comments: