Sunday, December 2, 2007

Lakas Tama

Artist - Siakol



Bulag ang pag-ibig
kasabihan na sa atin
Ngunit para sa 'yo
ang pag-ibig ko ay duling
Pagkat dalawang beses
ako sa 'yo may pagtingin
Kaytindi ng 'yong dating
sa puso't damdamin.
Sa tunay kong pagmamahal
natotorpe sa 'yo
Mukhang pinasukan ng daga
ang puso kong bato
Dahil alam ko rin walang ibubunga ito
Natatakot akong mawala
ang isang katulad mo.
Lakas tama! ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
pag nakikita ka, sinta
Lakas tama! Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
pag nakikita ka, sinta
Mga kamay ko ay nanginginig na sa iyo
Na makayakap ka
sa tuwing giniginaw ako
At ang iyong labi
na sa akin ay tumutukso
Kailan mahahagkan
nang matapos na ang gulo?
Sa pagputi ba ng uwak
mo ako sasagutin
Kung ang kulay ko nga
ay kayhirap paputiin
Ipagpatawad mo na lang
kung agad kang mahalin
Gan'to ako kung umibig
medyo napa-praning.
Lakas tama! ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
pag nakikita ka, sinta
Lakas tama! Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
pag nakikita ka, sinta
Lakas tama! ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
pag nakikita ka, sinta
Lakas tama! Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
pag nakikita ka, sinta
Lakas tama! ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
pag nakikita ka, sinta
Lakas tama! Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
pag nakikita ka, sinta

No comments: