Wednesday, November 28, 2007

Balita

Artist - asin



Lapit mga kaibigan at makinig kayo
Ako'y may dala-dalang balita
galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento
At mga pangyayaring nagaganap
sa lupang ipinangako
Ang lupang pinanggalingan ko'y
may bahid ng dugo
May mga lorong 'di makalipad
nasa hawlang ginto
May mga punong walang dahon,
mga pusong 'di makakibo
Sa mga pangyayaring nagaganap
sa lupang ipinangako
Mula nang makita ko ang lupang ito
Nakita ko rin ang munting apoy
sa puso ng tao
Ginatungan ng mga kabulukan
hanggang sa lumago
Ngayon ang puso'y may takot
sa lupang ipinangako
Lapit mga kaibigan at makinig kayo
Ako'y may dala-dalang balita
galing sa bayan ko
Nais kong ipamahagi ang mga kwento
At mga pangyayaring nagaganap
sa lupang ipinangako
Dati-rati'y ang mga bukid ay kulay ginto
Dati-rati'y ang mga ibon
'sing laya ng tao
Dati-rati ay katahimikan
ang musikang nagpapatulog
sa mga batang walang muwang sa mundo
Ngayon ang lupang ipinangako
ay nagsusumamo
Patakan n'yo ng luha
ang apoy sa kanyang puso
Dinggin n'yo ang mga sigaw ng mga puso
ng taong una n'yong
dadamhing kabilang sa inyo
Duul mga kaigsunan nugpaminaw kamo
Duna ko'y dala nga mga balita
gikan sa banwa ko
Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya
Nga nagagahitabu sa banwagisa na 'to

No comments: