Wednesday, November 28, 2007

Bakit Ba?

Artist - Siakol



Nag-aaliw sa usok
at beer lang ang kasama
Mas ok pang laging ganito,
nalilimutan ka
Di ko malaman sa ‘yo
kung ano ang drama mo
Bakit lagi mo na lang
sinasaktan ang puso ko
Tandang-tanda ko pa noong
tayo’y namamasyal
Napasulyap lang sa iba
bigla mo na akong sinampal
At sa kaseselos mo nga’y
lalong minahal kita
Subalit nasaan ka na? Sumama sa iba
Bakit, bakit ba? Iniwan mong nag-iisa
Bakit, bakit ba?
Sa akin ba’y nagsawa na
Sinusunod naman kita,
kahit ano, kinakaya
Wala pa ring kwenta, bakit ba?
Ano ba ang nakita mo
at pinagpalit mo ako?
Nakasisiguro ka ba ngayon sa bago mo?
Sana ay mahalin ka nya
at wag kang sasaktan
Kahit di na tayo
problema mo’y sabihin lang
Pilit ka mang limutin ay
naghihintay pa rin
Nagbabakasakali na muli kang dumating
Bakit ba kay hirap ng
kalagayan ko ngayon
Kaya’t sa aking sarili ay
laging nagtatanong
Bakit, bakit ba? Iniwan mong nag-iisa
Bakit, bakit ba?
Sa akin ba’y nagsawa na
Sinusunod naman kita,
kahit ano, kinakaya
Wala pa ring kwenta, bakit ba?
Bakit, bakit ba? Iniwan mong nag-iisa
Bakit, bakit ba?
Sa akin ba’y nagsawa na
Sinusunod naman kita,
kahit ano, kinakaya
Wala pa ring kwenta, bakit ba?

No comments: