Wednesday, November 28, 2007

Ang Buhay Ko

Artist - Asin



Halos lahat ay nagtatanong
doon sa aming bayan
Sa gitnang kanluran
na aking pinagmulan
Sila'y nalilito,
ba't daw ako nagkaganito
Kung ano ang dahilan,
ako lang ang nakakaalam
Magulang ko'y ginawa na
ang lahat ng paraan
Upang mahiwalay sa aking natutunan
Subalit iniwan ko
ang ibinigay na karangyaan
Kung ano ang dahilan,
ako lang ang nakakaalam
Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
kung ba't ako naglalakbay
Kaya ngayon ako'y narito upang ipaalam
Na 'di ako nagkamali sa aking daan
Gantimpala'y 'di ko hangad na makamtan
Kundi ang malamang tama
ang aking ginawa
Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
kung ba't ako naglalakbay
Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan
kung ba't ako naglalakbay

No comments: