Artist - Asin
Ako'y isinilang
sa isang bayan ng Cotabato
Kasing gulo ng tao,
kasing gulo ng mundo
Dahil di magkasundo
sa relihiyon at prinsipyo,
nagkagulo.
Ang bayan ko sa Cotabato,
kasing gulo ng isip ko
Di alam kung saan nanggaling,
di alam kung saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban,
di ko alam ang dahilan ng gulo.
Bakit nagkaganon,
ang sagot sa tanong ko
bakit kayo nag-away
Bakit kayo nagkagulo,
Prinsipyo mo'y igagalang ko
kung ako'y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo,
di sana magulo ang bayan ko.
Sa bayan kong sinilangan,
sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto
sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino
ay pinapahirapan mo, ang gulo.
Ako'y nananawagan,
humihingi ng tulong n'yo
Kapayapaa'y bigyan ng daan,
kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban,
magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo,
kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko?
Kung ako'y may maitutulong,
tutulong nang buong puso
Gitara ko'y aking inaalay,
kung magkagulo'y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso,
puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong isang kaibigan
Isipin mong siya'y may puso rin
katulad mo.
Sa bayan kong sinilangan
Sa timog Cotabato
Ako ay namulat
Sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto
Sa prinsipyo ng kapwa tao
kapwa Pilipino
ay kinakalaban mo
ang gulo
Wednesday, November 28, 2007
Ang Bayan Kong Sinilangan
Posted by
Arnel
at
9:46 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment