Artist - Grin Department
Ako'y may kasaysayan
sa inyo'y isasalaysay
ito'y tungkol sa gamit
sa loob ng pamamahay
ito'y ang tabo
sa tingin ay hamak lang
ngunit s'ya ang katapat
ng dalaga sa batalan
kaya itong tabo pakaingatan at itago
pagkat ito'y ginagamit
ng dalaga sa paliligo
sa umaga pagkagising
ang dalaga'y masintahin
tabo ang hahagilapin
upang ipanghugas ng kanyang...
sinaing
Dalagang ubod ng selan
dapat n'yong pasensyahan
pagkat s'ya'y malinis
sa kanyang buong katawan
akalain n'yo ba naman
sa paliligo sa batalan
kinukuskos ng maigi
maseselang mga...
kamay
Dalagang masintahin
malulubog sa putikan
makinis nyang tuhod ay madudumihan
pagdating sa bayan
makikita nyo brother
ito'y huhugasan mula tuhod hanggang...
paanan
Pagkagaling doon sa bayan
pupunta sa kabukiran
upang malasap n'ya
ang tamis ng kalikasan
s'ya ay nasarapan
sa kanyang mga naranasan
sa mga naglalakihan
at nagtitigasang mga...
kawayan
Oh, pagkagaling sa pasyalan
uuwi na ng tahanan
s'ya ay pagod na
nanggigitata at pawisan
tabo ang hahagilapin upang mahugasan
ang kanyang mga naglalawa...
at nagbubukadkarang mga...
halaman
Saturday, December 1, 2007
Tabo
Posted by
Arnel
at
11:04 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment