Saturday, December 1, 2007

Sa Piling Mo

Artist - Rey Valera



Ikaw, dahilan ng aking pagsisikap
matupad sana ating pangarap
salamat sa lakas na
binibigay mo t'wina
sa mga araw na kita'y kasama
mahal t'wing mahirap ang buhay
at ako'y wala ng pag-asa
sa piling mo, sa piling mo, mahal
ang tanging ligaya ko
at kung ako ay muling
mabubuhay sa mundong ito
minsan pa, ang nais ko
ay sa piling mo
Mahal, sapat na sa 'kin
ang 'yong pag-ibig
upang mabuhay sa araw-araw
salamat, sa ligayang
nalasap sa piling mo
sa mga araw na lumipas
mahal t'wing mahirap ang buhay
at ako'y wala ng pag-asa
sa piling mo, sa piling mo, mahal
ang tanging ligaya ko
at kung ako ay muling
mabubuhay sa mundong ito
minsan pa, ang nais ko
ay sa piling mo
sa... piling mo...

No comments: