Artist - Color It Red
Kung ang buhay ay isang
umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang
sinusuyo ng bituin
'Di mo man silip ang langit
'Di mo man silip,
ito'y nandirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din
sa paroroonan
At sa iyong paglisan
ang tanging pabaon ko ay pag-ibig
Mmm, mmm, hmmm
Sa pagbuhos ng ulan,
sa haplos ng hangin
Alaala mo ay
nakaukit sa pisngi ng langit
'Di man umihip ang hangin (hoh woh)
'Di man umihip, ika'y nadirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din
sa paroroonan
At sa iyong paglisan
ang tanging pabaon ko ay pag-ibig
Ay pag-ibig...
Ay pag-ibig...
Woh hoh, Mmm, hmm
Hoh hoh, hoh hoh, hoh hoh,
hoh hoh hoh
Saturday, December 1, 2007
Paglisan
Posted by
Arnel
at
9:36 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment