Saturday, December 1, 2007

Ngiti

Artist - Ronnie Liang



Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
at matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin
sa akin at baka matunaw
ang puso kong sabik.
Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko’y tumitigil
Para lang sa iyo ang awit ng aking puso
Sana’y mapansin mo rin
ang lihim kong pagtingin.
Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati, akala ko’y manhid.
Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib
Sa iyong Ngiti ako’y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko’y tumitigil
Ang pangalan mo, sinisigaw ng puso
Sana ay madama mo rin
ang lihim kong pagtingin.
Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko’y tumitigil
Para lang sa iyo ang awit ng aking puso
Sana ay mapansin mo rin
ang lihim kong pagtingin.
sa iyong ngiti...

No comments: