Saturday, December 1, 2007

May Tama Ako

Artist - Jay-R Siaboc



Nagtanong ka pa wala namang epekto
Labas-pasok sa tenga mo
kahit anong sabihin ko
Wag na tayong magsayang pa ng laway
Sige na mali na ako
ayoko lang ng away
Pero teka lang may sasabihin sana
Kung pwede bang manahimik ka muna
Walang saysay ang sinasabi
kaya't hindi mo mawari
Kung iimik pa ba
o mananahimik na lang
At sa tuwing magpapaliwanag
pakinggan mo naman ito
Akala mo'y ikaw lang
ang marunong tumama
Paminsan-minsan tama rin ako,
may tama rin ako
Nagtanong ka pa wala namang silbi
Wala ka kasing pakialam
sa aking sinasabi
Sa susunod wag ka ng magtatanong
Kung may sagot ako
o wala parehas rin yun
Pero teka lang may sasabihin sana
Kung pwede bang manahimik ka munahah, hah
Walang saysay ang sinasabi
kaya't hindi mo mawari
Kung iimik pa ba
o mananahimik na lang
At sa tuwing magpapaliwanag
pakinggan mo naman ito
Akala mo'y ikaw lang
ang marunong tumama
Paminsan-minsan tama rin ako,
may tama rin ako, oh ho woh hoh

No comments: