Friday, November 30, 2007

Kumot at Unan

Artist - Boldstar



Mabuti pa ang unan mo
kasama pag gabi
Mabuti pa ang kumot mo
kasiping sa tabi
Sa pag-uwi mo sila ang ‘yong kasama
At sa pagtulog, wala ng iba, hah
Iyan ba nama’y pagseselosan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang
maari mong gawin na kumot at unan mo
Mabuti pa ang panyo mo
May dampi sa ‘yong pisngi
At sa tuwing kausap ka’y
laging nakangiti
Sa pag-uwi ko ‘yan ang naaalala
At sa pagtulog wala ng iba, hah
Yan ba nama’y malilimutan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang
maari mong gawin na kumot at unan mo
Pangarap kita
Kahit papaano pa kita isipin
Pangarap kita
Dinggin mo sana ang aking awitin
Pangarap kita
Gawin mo sana akong pangarap mo rin
Mabuti pa ang baso may
tikim ng ‘yong halik
Naiinggit ang labi kong
laging nananabik
Sa aking pag gising
‘yan ang naaalala
Tuwing umaga wala ng iba, hah
Yan ba nama’y maiiwasan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang
maari mong gawin na kumot at unan mo
kumot at unan mo
kumot at unan mo
kumot at unan mo

No comments: