Artist - Gagong Rapper
Kay sakit naman isipin na
sa puso mo ako'y pangalawa
sa tuwing makikita kitang kasama siya
pinipikit ko aking mga mata
at sa gabing kasama mo siya
halos hindi ako makahinga
kayakap ko ang bote ng tequila
nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa
naghihintay hanggang sumapit ang umaga
ng muli kang makasama.
Ano ang ating lagay hindi mapalagay
ako'y nasasaktan
pag hawak mo kanyang kamay
sa kanya ka sa tanghali
akin sa gabi pagdilat sa umaga
wala ka na sa tabi
meron kahati
gusto kita na mapasakin
kung pwede lang ba sana
sa kanya kita nakawin
at lagi mong iisipin
kung hindi ka para sa akin
wag mo sanang limutin
na ikaw mahal ko rin.
Sa puso koy nag-iisa
kahit merong iba
kahit hindi tama ang ginagawa sinta
basta bay makasama lang kita
kahit kapiling mo pa siya.
At wag ng mangamba
kahit sabihin na
kalimutan ka di ko to makakaya
basta bay makasama lang kita
kahit kapiling mo pa siya
It really hurts
ang magmahal ng ganito
kung sino pang pinili ko
hindi makuha ng buo
haggang ganun na lang nga
kailangan ko tong tanggapin
na sa puso mo
meron na ngang iba umaangkin
at alam ko na rin
na mayroon ng nagmamayari
sa pag ibig sa iyo
ako itong nakikihati
at ano man ang mangyari
hindi ko kayang manumbat
at kahit pailihim mo ako sa lahat
gaano man kabigat
sa puso ko itong aminin
hindi dadaing
wag ka lang mawawalay sa akin
masakit man na isipin
na ako ang naghiram
kaya pinasya mong
huwag na ngang ipaalam
at kahit hindi ito tama ako ay sumugal
kahit pa nga alam kong
mayron kang iba mahal
binigay ko ang lahat
kahit ganto ang natamo
sa pag-ibig nang iba
ako ngayon nakikisalo
Sa puso koy nag-iisa
kahit merong iba
kahit hindi tama ang ginagawa sinta
basta bay makasama lang kita
kahit kapiling mo pa siya.
At wag ng mangamba
kahit sabihin na
kalimutan ka di ko to makakaya
basta bay makasama lang kita
kahit kapiling mo pa siya
Sa situwasyon natin na'to
hindi ko alam san tutungo
alam ko mahirap pag mali
pero mahirap rin isuko
paano ko masusuot
singsing sayo na dala,
kung sa paglalagyan nito
meron na palang nauna
ng makilala mo ako
di ko binalak mang-gulo
gusto ko lang mapatunayan
na ika'y mahal ko,
yung binuo ang buhay ko
sa mga na-una saglit
kahit ang tawag nga sa akin
ay di hamak na kabit.
Oo nga ika'y sa akin
at ako ay sa iyo,
at ikaw din sa kanya
at siya din ay sa iyo,
yan ay aking tinanggap
para makasama ka lang
pero sana wag sabihin na
nakasama ka lang
pero sana rin
wag tayong dumating pa diyan
tiisin ko ang lahat
ke sana wag lang yan
at kahit alam kong mahirap
tanggapin na mas na una siya sa iyo
kesa sa akin
Sa puso koy nag-iisa
kahit merong iba
kahit hindi tama ang ginagawa sinta
basta bay makasama lang kita
kahit kapiling mo pa siya.
At wag ng mangamba
kahit sabihin na
kalimutan ka di ko to makakaya
basta bay makasama lang kita
kahit kapiling mo pa siya
Friday, November 30, 2007
Kabet
Posted by
Arnel
at
7:38 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment