Friday, November 30, 2007

Hindi Kita Iiwan

Artist - Rey Valera



Hindi kita iiwan
Ang sagot ko sa puso mong
laging nagtatanong
Hindi kita masisisi,
ako ma'y nangangamba
Pagkat hindi natin batid
ang ating bukas.
Halik na nagbibigay pag-asa
Mga yakap na nag-aalis ng pangamba
At ang pag-ibig natin sa isa't isa
Ang tangi nating laban
sa lupit ng buhay.
Ninais nating umibig gayong tutol
sa atin ang panahon
Tinangka nating mangarap sa mundong
sadyang mapagkait
Ngunit anuman ang mangyari
sa 'ting pagmamahalan
Mahal ko, laging umaasang...
Hindi kita iiwan
Hinding-hindi kita iiwan.
Ninais nating umibig gayong tutol
sa atin ang panahon
Tinangka nating mangarap sa mundong
sadyang mapagkait
Ngunit anuman ang mangyari
sa 'ting pagmamahalan
Mahal ko, laging umaasang...
Hindi kita iiwan
Hinding-hindi kita iiwan.
Hindi kita iiwan
Hinding-hindi kita iiwan.

No comments: