Friday, November 30, 2007

Halaga

Artist - Parokya ni Edgar



Umiiyak ka na naman
'langya talaga,
wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa
Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sa'yo ng boyfriend mong
hindi mo maintindihan
May kwento kang pandrama na naman
Parang pang TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka ba ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo dyan
sa boyfriend mong tanga
na wala nang ginawa
kundi ang paluhain ka
Sa libu-libong pagkakataon
na tayo'y nagkasama
Iilang ulit palang kitang
nakitang masaya
Naiinis akong isipin na
ginaganyan ka n'ya
Siguro ay hindi niya lang alam
ang iyong tunay na halaga
Hindi na dapat pag-usapan pa
Napapagod na rin ako
sa aking kakasalita
Hindi ka rin naman nakikinig
Kahit sobrang pagod na
ang aking bibig
Sa mga payo kong di mo pinapansin
Akala mo'y nakikinig
di rin naman tatanggapin
Ayoko nang isipin pa
Di ko alam 'bat di mo makayanan
na iwanan sya
Ang dami-dami naman diyang iba
Wag kang mangangambang
baka wala ka nang ibang makita
Na lalake na magmahal sa'yo
At hinding-hindi n'ya
sasayangin ang pag-ibig mo
Sa libu-libong pagkakataon
na tayo'y nagkasama
Iilang ulit palang kitang
nakitang masaya
Naiinis akong isipin na
ginaganyan ka n'ya
Siguro ay hindi niya lang alam
ang iyong tunay na halaga
Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin
ay napagti-tripan
medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba
ang siyang pinapangarap ko
Sa libu-libong pagkakataon
na tayo'y nagkasama
Iilang ulit palang kitang
nakitang masaya
Naiinis akong isipin na
ginaganyan ka n'ya
Siguro ay hindi niya lang alam
ang iyong tunay na halaga

No comments: