Wednesday, November 28, 2007

Bakit Ba Ganyan?

Artist - Dina Bonnevie



bakit ba ganyan,
ang ibig ko'y lagi kang pagmasdan?
umula't umaraw ay hindi pagsasawaan
ang iyong katangian
damdamin ko'y ibang-iba
kapag kapiling ka, sinta.
ewan ko, bakit ba ganyan;
damdamin ay di maintindihan?
kailangan ang pag-ibig mo
dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
magmula nang kita ay makilala.
bakit ba ganyan,
kung minsan ay nauutal sa kaba
kapag ika'y kausap na?
ngunit lumalakas ang loob
kung ikaw ay nakatawa.
ewan ko, bakit ba ganyan;
damdamin ay di maintindihan?
kailangan ang pag-ibig mo
dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
magmula nang kita ay makilala
Oh, woh, ewan ko, bakit ba ganyan;
damdamin ay di maintindihan?
kailangan ang pag-ibig mo
dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
magmula nang kita ay makilala

No comments: