Wednesday, January 17, 2007

Aso

Artist - Siakol



Ako’y may alaga asong mataba
Buntot ay mahaba, makinis ang mukha
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Kaya kaming dalawa ay laging magkasama
Kung ako ay aalis, siya’y sumusunod
Sa aking pagbabalik pamawi ng pagod
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Hindi lang sya alaga, kaibigan ko pa
Kahit hayop ay dapat ring mahalin
Lalo’t maamo at masunurin
Sila’y alagaan at wag pababayaan
Tao at hayop may unawaan
Sa aking pag-iisa aso ko ang kasama
Sa aking pagtulog, katabi ko sa kama
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Paglalambing niya aking damang dama
Pag siya’y binabato,
aking pinagtatanggol
Pag ako’y inaaway, kanyang tinatahol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Kaibigang tunay sa hirap at ginhawa
Kahit hayop ay dapat ding mahalin
Lalo’t maamo at masunurin
Ngunit minsan hindi mo rin akalain
Ang pangyayari ay nagbabago rin
Tahol sya ng Tahol,
ang aso ko’y nauulol
Laking gulat ko pati ako ay hinabol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Kaya ganon nalang ang aking pagtataka
Ako’y may alaga asong mataba
Bunto’t ay mahaba, makinis ang mukha
Kinagat niya ako, kinagat ko rin sya
Ang kawawa kong alaga, pulutan ko na

No comments: